UPLB slay iimbestigahan ng Senado

NAGHAIN ng isang resolusyon si Sen. Miriam Defensor-Santiago upang imbestigahan ang sunud-sunod na pagpatay sa ilang estudyante ng University of the Philippines-Los Baños at matiyak ang pangangailangan sa pagpapaigting ng seguridad sa state universities and colleges.

“It is imperative upon the State to secure the welfare of the youth, especially its scholars; thus, the government should provide adequate security measures that will ensure the safety of its students in state universities and colleges,” ayon kay Santiago sa Senate Resolution No. 742 na inihain kahapon (Marso 14).

Lubhang nabahala ang senadora sa ulat na noong Marso 4, 2012, isang estudyante ng UPLB ang ninakawan at napatay habang papauwi.

Napaslang si Bernard Peñaranda, isang 19-year-old BS Agriculture student ng UPLB, matapos siyang holdapin at saksakin ng dalawa katao na nakasakay sa motorsiklo, kabilang ang dalawang kasamahan habang papauwi galing sa isang dance practice.

Naganap ang insidente limang araw matapos namang gahasain at mapatay ang isang 14-taong gulang na si Rochel Geronda ng Los Baños at ikalawa sa naganap na patayan sa UPLB.

Nitong unang yugto ng buwan, natagpuang patay si Geronda sa isang junkyard.

Noong Oktubre 2011 naman, ginasaha at napatay si Given Grace Cebanico.

Bukod pa dito, ang ilang heinous crimes na nagaganap sa ibang unibersidad tulad ng UP Diliman.

“For the betterment of our county’s future, our government should invest in the education of the youth; therefore, they should be accorded with full protection while learning in their respective institutions,” ayon kay Santiago.

Sinabi ng mambabatas na dapat tiyakin ng opisyal ng unibersidad na hindi nakapapasok ang outsiders sa loob ng eskuwelahan o kailangan mayroong sapat na pagkakakilanlan bago sila payagang makapasok.

Ayon pa sa senadora makabubuting magkaroon ang lahat ng state university ng CCTV cameras, sapat na ilaw sa lahat ng area at nagrorondang security guards o school police officers, para sa kaligtasan ng mga estudyante.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply