US$1-B ipapasok ng coco sugar sa bansa

PINAG-AAGAWAN na ngayon sa ibang bansa ang bagong produkto ng Pilipinas na coconut sap sugar, ani Agriculture (DA) Secretary Proceso J. Alcala.

Ani Alcala, umaabot na sa US$1-bilyon ang order na coco sugar sa Pilipinas dahil sa rami ng diabetic sa ibang bansa.

Kahit umano ang lokal na merkado ay nakikipagsabayan na rin sa pagbili ng coco sugar bilang alternatibong pampatamis.

Matatandaang noong 2007, pinatunayan ng Food and Nutrition Research Institute ng Department of Science and Technology (DOST) at Philippine Coconut Authority (PCA) na ang coco sap sugar ay may mababang glycemic index (GI).

Umaabot lamang ito sa 35 kaya natural, ligtas na pampatamis at bagay sa mga diabetic.

Ani Alcala, may walong milyong Filipino rin ang may diabetes at sila man ay makikinabang sa coco sap sugar.

Malaki aniya ang demand nito sa United States, Middle East, Europe, Australia at New Zealand.

Ayon naman kay Coconut Sap Sugar Congress chairperson Erelyn C. Manohar, may 36 coco sap sugar producers na sa bansa na karamihan ay sa Mindanao at may ilan din sa Luzon at Visayas.

Aniya, kailangang ma-maximize ang potensyal nito at makuha ang malaking bahagi ng export market.

Magkakaroon aniya sila ng standard process of production at kukuha ng certication sa mga kilalang organic farming certification bodies upang masigurong tama ang dami ng coco sugar.

Noong 2011, may 340 milyong puno ng niyog ang namumunga sa bansa batay sa pag-aaral ng Bureau of Agricultural Statistics.

Abot lamang sa 2.3 million ang kailangan upang makuha ang target na 210,000 kilo ng coco sap sugar at unti-unting dadagdagan taon-taon hanggang 2016.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply