Utak ng rapist nilamog ng taumbayan, utas

PATAY ang rapist ng 10-anyos na batang may sakit sa pag-iisip makaraang lamugin ang utak ng mga tambay sa Binondo, Maynila kamakailan.

Nabatid na matapos ang insidente ay nadala pa sa presinto ng pulisya si Rolando Gomez, 49, ng Gate 54 Parola Compound, kung saan inireklamo ang labis na pananakit ng kanyang ulo noong Pebrero 26.

Ayon kay SPO1 Charles John Duran, imbestigador ng MPD-Homicide Section, nakulong si Gomez sa kasong rape (RA 7610) sa isang 10 gulang na batang babae.

Nang maipasok sa kulungan ay napansin ng kanyang mga inmate ang panginginig ni Gomez habang nakahiga sa kanyang kama.

Agad namang dinala sa pagamutan si Gomez ngunit namatay din ng 11:45 kagabi kagabi.

Hinalang epekto ng pagkakabugbug kay Gomez ang sanhi ng kanyang kamatayan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply