Utol ni RR Enriquez biktima ng hit and run sa Imus, Cavite!

NAGISING kami sa tawag na naaksidente ang Nestea Boy na si Neil Coleta kahapon, Lunes nang madaling araw.

Total Wreck daw ang sasakyan niya sa itinuturing na killer highway sa Commonwealth.

Saktong nasa presinto siya nang makausap namin sa cellphone. Kagagaling lang daw niya sa ospital para matsek-up.

May sakit lang daw siyang nararamdaman sa leeg niya.

“Na-trauma ako. Parang natatakot akong sumakay ngayon sa sasakyan. Bumaligtad kami tapos umikot. Muntik na kaming mabangga ulit dahil malapit na mapunta sa kabilang lane,” kuwento niya.

Nakatanggap din kami ng text sa kanyang manager na si Becky Aguila.

“Naaksidente si Neil mga 1:30 am sa Puregold, Commonwealth Avenue. Galing siya sa spa ko. Binunggo ang kanyang Innova ng isang Pajero na pagmamay-ari raw ng former mayor ng Baguio according sa driver. Paiba-iba ang statement ng driver kaya di na nila malaman kung ano ang totoo.

Tinakbuhan pa nila si Neil habang iniimbestigahan ng pulis. Mabuti na lang at nahabol sila ng mga pulis.

“Inamin naman nila na lasing nga at nawalan ng preno. Na-trauma si Neil. Walang comprehensive insurance ang Pajero. Nag-expire naman ang insurance ni Neil last February 22. Di pa niya na-renew. First purchase niya ang Innova mula nang pumasok siya sa showbiz. Pinaghirapan, pinagpuyatan at pinag-ipunan niya ang kinita niya sa “100 Days To Heaven” at “Growing Up.”

“Nagpunta siya sa East Avenue Hospital para makapagpa-x-ray sa leeg niya. Muscle spasm ang result. Kumuha na rin siya ng Medical Certificate para sa kaso na isasampa niya sa driver at may-ari ng Pajero.

May kasunod  na text si Tita Becky: “ Wasak ang likuran ng sasakyan ni Neil. Dumating ang may-ari. Nag-usap na sila. Deny to death ang driver na lasing siya. Binili lang pala ng new owner ‘yung Pajero sa mayor ng Baguio.”

Tweet naman ng kapatid ni Neil na si Mark “Slamat po sa mga nagtwit at sa mga nag alala sa kapatid ko Ok naman po na si Neil. Nasira man ang sasakyan nya mahalaga buhay sya.”

‘Yun na!

-0o0-

NAGPUPUYOS sa galit si RR sa kanyang Facebook account dahil na-hit and run ang kanyang kapatid sa Cavite kahapon ng umaga.

“My brother got hit and run this morning by a tricycle! Thank God he’s ok na aside sa sugat-sugat ang body and wasak ang face. To the tricycle driver sana huwag mangyari yan sa family mo na ma-hit and run! Maliit lang ang Imus Cavite. Make sure walang nakakilala sa ‘yo. Hindi mo kailangan tumakas, we don’t need your freakin money. Sana dinala mo lang sa hospital kapatid ko, wala na tayong pag uusapan. Pero since tumakas ka.. humanda ka.”

Pina-report na rin ni RR sa pulisya ang aksidente para bigyan ng katarungan ang nangyari sa kapatid niya.

Anyway, biggest break ni RR Enriquez sa paggawa ng pelikula, ang indie film na “Dyagwar” na bida sina Eric Fructuoso at Boom Labrusca. Gumaganap siya rito bilang isang prostitute. May eksena si RR sa pelikula na nakikipag-sex siya kina Eric at Boom. Cute ang eksenang yun, nakatatawa. Sex-comedy naman kasi ang nasabing indie film na produced ni Ogie Diaz.

“Gusto ko talagang subukan na gumawa ng indie film. Dati kasi naging busy ako sa Wowowee at Banana Split kaya hindi ako nagkaroon ng oras na gumawa ng pelikula,” kuwento niya.

Bukod sa showbiz, may inaasikaso na ring business si RR na The GoodNews store kung saan nagtitinda sila ng mga t-shirts, jackets, mugs na may kakaibang designs, at the same time provide a positive message.

“Our mission is to spread the word of God and try to influence customers young and old to accept Jesus Christ as our savior,” sey niya. Meron din siya ngayong RaRaColleczione fashion clothes and fashion accessories.

Bongga!

-0o0-

TAKAW-PANSIN sa amin si Ken Chan, ang guwapong teener na nakilala sa TV commercial na Nescafe na may pamosong kantang “good morning sa inyo.” First movie ni Ken ang My Kontrabida Girl at suwerte niya dahil kasama niya ang ultimate crush niyang si Rhian Ramos.

Lalong pumukaw sa aming atensyon ang bagets dahil laman siya ng blind item sa Twitter at hate siya ng ilang reporters na kaibigan ng dati niyang manager. Wala namang masamang sinasabi si Ken against sa rati niyang manager kundi tumatanaw pa rin siya ng utang na loob. Nawalan lang sila ng komunikasyon dahil ilang buwan din siyang hindi binigyan ng atensyon at nagpasiya na ang parents niya na sulatan ito at magpaalam dahil sa rami ng pagkukulang ng dati niyang manager.

After Walang tulugan at Tween Hearts, sariling diskarte na ni Ken ang natatanggap niyang project sa GMA-7.

Dumadaan siya sa audition at sa tulong na rin ng production. Kasali siya ngayon sa Biritera.

Ikinuwento rin pala ni Ken na may butt exposure sila nina Enzo Pineda, Kevin Santos at Sef Cadayona sa My Kontrabida Girl pero comedy ang dating kaya hindi raw makakaapekto ang ginawa niya sa pagiging commercial model niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply