Van nahulog sa bangin, 2 patay, 7 sugatan

DALAWA ang namatay, habang pitong iba pa ang malubhang nasugatan nang mahulog sa bangin ang isang passenger van sa Benguet sa ulat ng pulisya ngayon.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa kahabaan ng Halsema Highway sa Atok, Benguet, bandang alas 7:15 ng umaga kanina.

Ayon kay Rafael Valencia,  leader ng  911 On Call Rescue and Medical Team, patay sa sakuna sina Felimon Awayan at Cynthia Donato.

Bukod dito, sugatan din ang pitong iba pa kabilang ang driver ng van na si Crisanto Kidlasen, pawang itinakbo sa  Baguio City General Hospital.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Perlita Tacio, spokesperson ng Cordillera PNP, patungong Baguio City ang nasabing van mula Mountain Province nang mawalan ng kontrol sa manibela ng driver pagdating sa Barangay (village) Topdac, sakop ng Kilometer 33 section ng Halsema.

Nagtuloy-tuloy ang sasakyan at bumulusok may 199 talampakang lalim na bangin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply