VAT sa school supplies ipinatatanggal

UPANG maibsan ang mabigat na gastusin ng mga magulang at estudyante dulot ng mataas na matrikula, hiniling ng mga mambabatas na tanggalin na ang value added tax sa mga kagamitang binibili ng mga eskwelahan at sa serbisyong ibinibigay sa kanila ng suppliers.

Ayon sa may akda ng House Bill No. 5916 na si Rep. Rufus Rodriguez, 2nd District, Cagayan de Oro, napupunta lang sa VAT ang mataas na matrikula at ipinapasa naman ito sa mga eskwelahan ng kanilang suppliers ng mga kagamitan.

“Ipinapasa naman ng eskwelahan ang VAT sa mga estudyante na lalong nagpapahirap sa kanila na mabayaran ang napakamahal na matrikula,” pahayag ni Rodriguez.

Ito ang nagiging dahilan kung bakit ang isang pamilya na nakakakain ng tatlong beses isang araw ay kailangan pa ring maghanap ng ibang mapagkakakitaan para lamang makapag-aral ang kanilang mga estudyante.

Layunin din ng panukala na amiyendahan ang Republic Act 8424, o ang tinatawag na Tax Reform Act of 1997, na ililiban mula sa VAT ang mga kagamitan at serbisyo na ginamit ng mga eskwelahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply