Vendors at mga jeepney nagkalat sa kalye

NAGKALAT na ang mga vendor sa Central Market sa Sta. Cruz, Manila. Sa  halip na mabawasan dahil sa puspusang kampanya ng lokal na pamahalaan ay lalo raw lumala.

Halos ang buong pedestrian crossing ay sinakop na ng vendors at nakahambalang ang mga ito  maging sa daanan ng mga jeepney na  may biyaheng Recto via Letre, Navotas.

Ang masakit daw nito, kapag nasagi mo raw  kahit konti ang mga paninda ng sinomang  vendor ay halos katayin ka ng mga ito sa galit.

Ang nakasasakop umano na  barangay rito ay ang Brgy. 311 Zone 31 sa pamumuno ng kanilang barangay kapitan na si Boy Bersanio.

Mantakin ninyo, napakalapit lang daw ang opisina ng Manila Traffic and Parking Bureau o Mantika, Toyo, Patis, Bawang (MTPB).

Ang siste, ipinagmamalaki ng mga vendor na  hindi raw sila matitinag sa kanilang mga puwesto dahil may naniningil daw sa kanila na isang maliit na lalaki.

Hindi lang nila alam kung kanino ibinibigay ng mamang maliit ang kinokolekta nito sa mga vendor.

Kung sa barangay ba o sa Police Station (PS) 3 o kaya sa MTPB? Naku po…..

PERYA BINABABOY ANG BIRHENG MANAOAG

Ano ba ito, pati ba naman ang sagradong simbahan ng Our Lady of Manaoag Church sa Pangasinan ay tinayuan ng peryahan na ‘front’ ng iligal na mga sugalan.

Hindi lamang binaboy kun-di binastos pa ng operator ng nasabing peryahan ang sagradong simbahan.

Apat na lamesa ng drop balls, roleta at color games  ang nakalatag sa tapat ng simbahan na kung saan ay   pinagkukulumpunan ng mga bata at matanda.

Ang matindi pa nito, yung peryahan ay sa tapat din ng Manaoag Municipal Hall na tinakpan lang ng asul na lona.

Ano ba yan, Mayor Napoleon Sales?

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply