Venus, Jupiter magniningning sa kalawakan ngayong buwan

MATAPOS ang mga matitinding kalamidad na sinapit ng bansa tulad ng lindol, bagyo, pagguho ng lupa at iba pa, magandang tanawin naman sa kalawakan ang masasaksihan ngayong buwan dahil magniningning ang Venus at Jupiter kahit ang Vernal Equinox ay babagsak ng Marso 20, ayon sa ulat ng state astronomers kaninang umaga (Marso 3).

Sinabi ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na bukod sa dalawang planetang nabanggit, ang Saturn at Mars ay masisilayan din sa kalawakan sa nasabing buwan.

“Venus and Jupiter will become a spectacular view in the western horizon after sunset during the month … Venus will be shining brilliantly at magnitude -4.2 while Jupiter will dazzle at magnitude -2.1,” pahayag ni PAGASA administrator Nathaniel Servando.

Ang Mars aniya ay tataliwas sa posisyon sa Haring Araw at ito ay lalapit  sa daigdig sa Marso 5 sa distansya na 101 million kilometers, dagdag pa nito.

Sinabi ni Servando na ang Mars ay matatagpuan sa 7 degrees mula sa eastern horizon at magniningning sa lakas na magnitude -1.2.

“It will lie among the background stars of the constellation Leo, the Lion,” dagdag pa ulit nito.

Sa Marso 5 rin, magniningning ang Saturn sa lakas na magnitude +0.3 at matatagpuan ito na kabilang sa mga background stars ng konstelasyon ng Virgo, ang Birhen o Virgin.

Matatagpuan ito sa 18 degrees sa itaas ng east southeastern horizon dakong alas-10:00 p.m., at masisilayan ito sa kabuuan ng buwan na nabanggit.

Gayunman, ang Uranus at Neptune ay masyado aniyang malapit sa Araw para ito maobserbahan.

Sinabi pa ni Servando na maabot ng Araw ang Vernal Equinox sa Marso 20, na isang senyales na simula na ang spring sa hilaga at autumn naman sa silangan.  (Robert C Ticzon)

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply