Villar-Jinggoy nagbangayan sa impeachment trial

MUNTIK umusok sina Senator-judges Jinggoy Estrada at Manny Villar nang mauwi sa bangayan ang kanilang palitan ng salita sa pagre-resume ng impeachment trial laban kay CJ Justice Renato Corona.

Habang binatikos kasi ni Estrada ang wala sa direktang kaugnayan ng testimonya ni Navotas Rep. Toby Tiangco sa alinmang Article of Impeachment sa paglilitis ay naikompara nito ang isinampang impeachment case noon sa kanyang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada.

Uminit si Villar nang sabihin ni Estrada na minadali noon ang kaso ng kanyang ama na matatandaang si Villar pa ang tumatayong House Speaker.

Iginiit ni Villar na hindi minadali ang impeachment noon laban sa dating pangulo at patunay aniya ang pagkaroon ng dalawang hearing sa House Committee on Justice bago nakakuha ng 1/3 na boto ang impeachment complaint.

Dagdag pa ni Villar, iba ang bigat ng pagboto sa impeachment complaint laban sa nanunungkulang presidente dahil mawawalan ka ng mga benepisyo bilang isang mambabatas.

Sa sinabi ni Villar, tumayo si Estrada at nanindigan sa naunang pahayag na ni-railroad o minadali ang impeachment complaint kay dating pangulong Joseph Estrada na sinagot na lamang ni Villar na inirerespeto niya ang opinyon ng kapwa senador.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply