VM Vicencio at MB lane

MOTORSIKLO ang nakararami sa mga disgrasya sa sasakyan sa repablik ni Juan.

Sa rekord ng gobyerno, daan-daan kada buwan ang nadidisgrasya derpor libo-libo sa loob ng isang taon.

Paano nga naman hindi libo-libo kung sa loob lang ng isang linggo, eh, nasa 7,000 motorsiklo ang nabebenta mula Aparri hanggang Jolo.

oOo

Itong si dating Malabon City Vice Mayor Arnold Vicencio ang isa sa mga pinakahuling nadisgrasya gamit ang motorsiklo.

Sa hindi malamang dahilan, basta na lang sumemplang si Vicencio sa loob ng South Luzon Expressway kasama ang isang veterinarian.

Nawakwak ang dibdib nito na ikinamatay niya makaraan ang ilang oras sa ospital.

Ang umangkas sa kanya ay nagkabali-bali naman ang buto.

Bago rito, may kakilala naman tayong nabangga ng motorsiklo sa Bulacan. Nasa ospital ngayon ang mama at nasa coma. Kasama niyang naospital din ang mga nakabangga sa kanya.

At ang problema?

Nagtuturuan ang mga ito kung sino ang may sala.

Baka sa ospital pa magkamatayan ang magkabilang panig.

Kaugnay nito, Suki, ano-ano ba ang mga dapat na gawin upang maiwasan o mabawasan man lang ang mga sakuna sa motorsiklo?

oOo

Itong mga motorbike lane pala sa Commonwealth Avenue, Macapagal Avenue at EDSA ay unti-unti nang kinukulapulan ng korapsyon.

Akalain ba ninyong wala nang ginawa ang mga taga-MMDA kundi ang tumanaw sa mga lumalabas sa mga lane na ito.

Ang reklamo ng mga nakamotor, pinaiiral ng mga may kotse na kasosyo nila sa lane ang gitgitan hanggang sa mapuwersa silang lumabas kahit konte at saglit sa lane saka sila babalik.

Walang tanong-tanong, hinuhuli at tinitikitan sila agad ng mga enforcer na may 20% sa bayad sa multa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply