‘Wag ka nang umasa pa

Good morning po ate Karen. Mahal ko pa po ang aking ex boy-friend, feeling ko mahal niya pa rin ako pero may gf na siyang bago. Pero lagi niya pa rin akong pinipikon, wala namang dahilan para pikunin niya ako. Dapat pa ba akong umasa sa kanya? Salamat po.
Shane ng Naga City
KAREñosa: Mahirap sabihing mahal ka pa rin niya kung “FEELING” mo lang pala iyon. Masyado kasi tayong mapag-assume. Tinanong ka lang kung kumain ka na ba, kini-kilig na agad. Kaya minsan nami-misinterpret natin ‘yung ginagawa ng boys. Sa tingin ko, ngayong may gf na siya, huwag ka nang umasa. The fact na ipinagpalit ka na niya ay sapat na dahilan para sabihin sa sarili mo na, hindi ka na niya talagang mahal. Unless sinabi niya sa’yo na iiwan niya gf niya ngayon para ipagpatuloy yung “kayo”. Huwag kang magpadala sa kilig, masasaktan ka lang pag nalaman mong pinapaasa ka niya kasi mukhang asang-asa ka pa.
***
Hello po ate Karen, sana po matulungan ni’yo ako sa problema ko ngayon. ‘Yung asawa ko wala ng panahon sa amin. Palagi na lang siyang busy sa mga katextmate niya. At lagi kaming nag-aaway dahil sa mga pinagagagawa niya. Nasasaktan na po ako sa ginagawa niya. Ano po ba ang gagawin ko?
09468765+++
KAREñosa: Kausapin mo siya sa paraan na hindi mahahan-tong sa away. ‘Yung tipong palambing. Sabihin mo lahat ng gusto mo. Pwede rin na ikaw na ang mismong mag-aya na lumabas kayong pamilya. Hindi naman masama ‘yun dahil mag-asawa naman kayo. Kung puso sa puso ang pag-uusapan sigurado maayos ni’yo ‘yan. Kung bingi siya sa sinasabi mo, mag-isip-isip ka na. Atleast ginawa mo ang part mo.
***
Hi po, paano po kung magkaiba kami ng relihiyon? May nililigawan po kasi ako, isa akong Katoliko. Ang sabi sa akin ng parents ko, ang mga Iglesia Ni Cristo daw madalas nagpapakasal sa mga ka-relihiyon nila. Wala na yata akong pag-asa.
KAREñosa: Wala namang problema ‘yun basta’t mahal mo siya at mahal ka niya, hindi magiging problema ang relihi-yon sa inyong dalawa. Ang mahalaga iisa ang tibok ng puso ni’yo at iisa ang paniniwala ni’yo na kahit magkaiba pa relihiyon niya. ‘Wag kang mawalan ng pag-asa, may mas mahirap pa na problema diyan. Maliit lang iyan kumpara sa iba, kung ‘yan pa lang sumusuko ka na, paano pa yung mga pwedeng ma-encounter mo ‘pag kayo na.
oOo
Para sa problemang pag-ibig, i-text ang BT_Name_Problemang Pagibig at isend sa 09183386058
loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply