Wala akong itinatago sa BIR– Pacquiao

“WALA akong itinatago sa Bureau of Internal Revenu.”

Ito ang iginnit ngayon ni Sarangani Rep. at boxing champ Manny Pacquiao.

Ani Pacquiao, wala umano siyang ginawang mali at wala ring itinatago sa BIR kaugnay sa kanyang yaman at mga ari-arian.

Matatandaan kamakailan lang ay sinampahan ng BIR-Region 12 si Pacquiao ng kasong paglabag ng Section 266 o ”failure to obey summon” sa ilalim ng National Internal Revenue Code (NIRC).

Nabatid pa sa kongresista na kanyang binabayaran umano ang dapat niyang bayaran.

Hinihintay na ng kampo ni Pacquiao ang kopya ng reklamo para masagot ito ng mga abogado ng kongresista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply