Wala ring magagawa sa pasahod

NGAYON lang yata tayo nagkaroon ng gobyernong ang daming hindi magagawa.

Wala itong magagawa sa petrolyo, wala rin itong magagawa sa expanded value added tax sa langis.

Kung meron man itong magagawa, walang iba kung ang pagsasabing umuunlad ang ekonomiya sa pananatili ng mga kompanya ng langis na sobrang yaman at sumakay sa oberpraysing dito.

Da hayer da oil prays hayk, da hayer kasi ang expanded value added tax sa langis.

Kaya, yumayaman din ang gobyerno at dito natitiyak ng mga onorabol ang kanilang pork barrel.

oOo

Wala rin itong magagawa sa kontraktuwalisasyon en in pak, Suki, baka ang gobyerno pa ang may pinakamalaking kontraktuwal na obrero.

Mula sa nasyonal hanggang sa mga barangay.

Ang masakit, walang matinong rekord ang Department of  Labor and Employment o ayaw nilang magpalabas ng rekord dito.

Higit na masakit, sabi ng DOLE, sa pamamagitan ng regional wage board, walang umento sa sahod sa Mayo 1, ang araw ng mga obrero.

Wala naman kasi umanong mga pangyayari na magtutulak sa gobyerno para pag-usapan ang weyds hayk bago at sa Kaarawan ni Obrero.

Ang oil price hike o sobra nang mahal na langis umano ay hindi dahilan para magka-umento sa sahod ang mga obrero.

oOo

Noong panahon ni Manong Ferdie, minarsyal lo nito ang mga kompanya ng langis at nagbibigay kahit P.50 na umento sa Mayo 1.

Itong si Gloripie, minsan na rin niyang pinigilan ang oil price hike sa panahon ng kalamidad at nagbibigay rin ng umento.

Ngayon, parang ang naririnig natin sa mga ungas na onorabol, eh, “Ano kung magutom o maghirap kayo. Basta ang pork  barrel namin bastante.

Manood na lang kayo ng pelikulang impitsmen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply