Walang dagdag pasahe sa mga bus sa Mahal na Araw – LTFRB

MULING ipinaalala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga commuter na walang dagdag-pasahe sa mga bus ngayong Semana Santa kaya wag pabibiktima sa mga bus drivers at operators na mang-aabuso sa nalalapit na Mahal na Araw.

Ani LTFRB Chairman Jaime Jacob, multa at suspensyon o kanselasyon ng prangkisa ang ipaparusa sa mga maniningil ng sobra sa itinakdang pasahe lalo na sa mga pasaherong pauwi sa kani-kanilang probinsiya  sa Semana Santa.

Umaabot na sa 900 bus ang humingi ng special permit mula sa LTFRB para makabiyahe at makapasok sa Metro Manila.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply