Walang kulong sa libelo at media killings

PINAMAMADALI ni Rep. Juan Edgardo Angara ang pagpapasa ng amyenda sa Revised Penal Code na nagtatadhana ng kulong bilang isang parusa sa kasong libelo.

Sa inakda niyang panukala na House Bill 476, sinabing panahon nang sibakin ang parusang kulong sa libelo upang magampanan ng mediamen ang kanilang trabaho na maglabas ng katotohanan.

Epektibo lamang ang mga mamamahayag sa kanilang trabaho para sa pagtatatag ng malaya at demokratikong bansa kung walang sagabal para rito.

Bukod sa kulong may multa pang P20,000.

oOo

Teka lang, maganda sigurong kambalan ang panukala ng panukala laban naman sa media killings.

Bakit kanyo?

Kasi, kung hindi mapatatahimik ang mediamen sa pamamagitan ng kasong libelo, papatayin naman sila.

Mahigit 170 na ang pinapatay at minamasaker na batang media simula nang sinasabi nilang bumalik na ang repablik ni Juan sa kalayaan at demokrasya noong 1986.

Ano ngang silbi ang kalayaan sa kulungan kung sa kabaong at sementeryo ka naman ikukulong?

Diyan sa mga munisipal, siti, probinsyal at Bilibid jail, tiyak na makalalaya ang mediamen.

Pero sa kabaong at sementeryo, hindi lang layptaym ang pagkakulong kundi poreber.

oOo

Kung tutuusin, dahil sa media killings, consuelo de bobo na lang ang panukala ni Angara.

Pero nakapagtatakang sa tagal nang panahon na hinihiling natin ang dekriminalisasyon ng libelo, nakapagtatakang hindi ito pinapansin.

Sa totoo lang, may nauna nang katulad na panukala pero ‘wa pansin lang sa Kongreso, lalo na sa Palasyo.

Jas da seym, tenk yu pa rin kay Rep. Angara.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply