Walang pagboto sa 5 binawing articles- Enrile

NILINAW ni Senate President Juan Ponce Enrile sa pagpapatuloy na impeachment trial kay Chief Justice Renato Corona, na walang magaganap na pagboto sa limang articles na binawi ng House Prosecution Panel noong huling linggo ng paglilitis.

Ayon kay Enrile, hindi na pagbobotohan pa, bilang pormal na manipestasyon sa impeachment court ang Articles 1, 4, 5, 6 at 8 na nauna nang binawi ng prosecution panel.

“The impeachment court decided in a caucus today not to entertain any motion to dismiss with a clear understanding from the prosecution and defense on Articles 1, 4, 5, 6, and 8. Furthermore, the impeachment court will not render vote on the said articles and the impeachment court will based its verdict only on Articles 2, 3 and 7, so ordered,” ayon kay Enrile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply