Walang tigil-putukan sa Semana Santa

WALANG balak ang Malakanyang na magdeklara ng tigil-putukan laban sa New People’s Army (NPA) habang ginugunita ag Semana Santa.

“There is no tradition of a Lenten ceasefire. The only tradition we have… is the Christmas ceasefire,” ayon kay Presidential spokesperson Edwin Lacierda.

Binigyang diin pa nito na wala silang plano na bigyan ng pagkakataon ang NPA na makapaghasik ng kaguluhan sa iba’t ibang panig ng bansa at itataon pa sa Mahal na Araw.

“There is nothing on the horizon right now,” aniya pa rin.

Ang NPA ang itinuturing na armed wing ng Communist Party of the Philippines (CPP), na may ilang dekada nang nakikipaglaban sa pamahalaan.

Sa kabilang dako, handa naman ang administrasyong Aquino na makipag-usap sa nasabing rebeldeng komunista.

Ang Philippine government ay kasalukuyang nagsusulong ng usapang pangkapayapaan sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP),  itinuturing na political wing ng CPP sa pamamagitan ni chief negotiator Alex Padilla.

Ang pagbabalik ng formal talks ay sinasabing dumanas ng ilang raw na pagkabinbin matapos humirit ang CPP-NDFP sa pamahalaan na palayain ang ilang political prisoners na anila’y kanilang consultants.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply