‘Walang tsunami kasunod ng lindol sa Chile’– PAGASA

PINAWI ngayon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang pangamba ng isang malaking tsunami kasunod ng malakas na lindol na umuga sa Chile kaninang umaga (oras sa Pilipinas).

Sinabi ni Phivolcs head Renato Solidum Jr. na ang lindol na inisyal na may sukat na magnitude 7.2 ay walang kakayahang magkasa ng mga malalaking alon sa Pilipinas.

“Sa aming pananaw walang pangamba na maidudulot itong lindol sa Chile dito sa ating bansa. At wala tayong tsunami warning o tsunami alert, walang maidudulot na pag-alon na darating sa atin,” pahayag ni Solidum.

Habang nag-isyu ang Phivolcs ng isang tsunami alert kaninang umaga, ito ay “Alert Level 0,” lamang na ang ibig sabihin ay walang magaganap na paglilikas.

Sa alert level, sinabi na ang lindol ay naganap dakong alas 6:37 ng umaga na may lalim na 10 kilometro at ang preliminary magnitude na 7.2.

Nabatid pa kay Solidum, na mabuting naganap ang pag-uga sa karagatan, pero aniya kung naganap ito sa kalupaan ay magiging mapaminsala ito.

“Pag lupa ito, ito katumbas ng 32 Hiroshima bombs in energy kung sa lupain. Ang epicenter sa dagat, hindi kalakasan ang naramdamang pagyanig,” pagliinaw pa nito.

Ayon naman sa Unites States Geological Survey, ang epicenter ng lindol ay tinatayang nasa 27 km north-northwest ng Talca, Maule, Chile; 55 km west-southwest ng Curico, Maule, Chile; 99 km north-northeast ng Cauquenes, Maule, Chile; at 219 km south-southwest ng Santiago, Chile.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply