Walang wage hike sa Labor Day — NWPB

SA KABILA ng patuloy na pagtaas ng mga presyo ng produktong petrolyo, sinabi ng National Wages and Productivity Board (NWPB) na walang aasahang dagdag-sweldo ang mga manggagawa sa Labor Day, Mayo 1.

Ayon kay NWPB executive director Ciriaco Lagunzad, hindi maaaring tumalakay ng mga wage hike petition ang board sa loob ng isang taon mula nang maglabas ito ng wage order.

Nabatid na ang pinakahuling wage hike order na inilabas ng NWPB ay noong Mayo 26, 2011 para sa National Capital Region (NCR).

Ang paraan lamang para makapaglabas ng wage order bago ang Mayo 26 ay kung makikitaan nila ng “supervening event” ang magkakasunod na oil price hike.

Sinabi ni Lagunzad na ilan sa kanilang mga ikinukonsidera ay kung ang oil price hikes ay naganap nang sunod sunod sa loob ng tatlong buwan.

Kasama rin aniya sa kanilang tinitingnan ay ang kondisyon ng mga employer lalo na’t mayorya ng mga negosyante sa Pilipinas ay nasa tinatawag na “small enterprise.”

Una nang naghain ng petisyon ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National  Capital Region (RTWPB-NCR), na humihingi ng P90 umento sa daily basic pay ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay TUCP President Democrito Mendoza, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa na dulot ng serye ng oil price hike, ay maituturing na supervening events para manawagan sila ng umento sa sahod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply