Wanted ex-police tiklo

TIKLO ang isang dating pulis na pinaghahanap ng batas dahil sa kasong pagpatay noong 2005.

Nabatid na sa bisa ng arrest warrant, nahuli ng Quezon City Police si Jesse Caragdag habang nakikipaglamay sa isang funeral home sa Quezon Avenue kagabi.

Nagdulot ng tensyon ang isinagawang paghuli makaraang tumangging sumuko ni Caragdag na umano’y armado ng baril ngunit mapayapa ring sumuko ang suspek.

Si Caragdag ay natanggal sa serbisyo sa Caloocan noong 2007.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply