Warrant of arrest kina GMA, FG oks sa Malakanyang

WELCOME sa Malakanyang ang ipinalabas na arrest warrant ng Sandiganbayan laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sa esposo nitong si dating Unang Ginoo Jose Miguel, at dalawang dating opisyal ng pamahalaan kaugnay sa kontrobersiyal at ma-eskandalong BN-ZTE deal.

Para sa Malakanyang, nakatitiyak na ang publiko na hindi makalalabas ng bansa ang mga ito habang dinidinig ang kasong isinampa laban sa kanya.

“We believe it’s a step in the right direction,” ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte sabay sabing “[The accused] can be present in their day in court and they will be able to defend themselves in the best possible manner.”

Bukod sa mag-asawang Arroyo ay ipinag-utos din ang pag-aresto kina dating Commission on Elections (Comelec) chairperson Benjamin Abalos Sr. at dating Transportation and Communications secretary Leandro Mendoza, pawang nagsilbi sa ilalim ng Arroyo administration.

Ang apat ay kinasuhan ng graft bunsod ng umano’y paggamit ng kanilang posisyon sa pamahalaan upang ituloy ang $329-million national broadband network (NBN) project noong 2007 gaya ng ipinanukala ng Zhong Xing Telecommunications Inc. ng Tsina.

Sina CGMA at Abalos ay parehong nakakulong dahil sa kasong electoral sabotage na kinakaharap sa Pasay City RTC.

Para sa Malakanyang, malaking hakbang ito sa pagkamit ng hustisya mula sa alegasyong katiwalian sa nakaraang administrasyon.

Aniya, masasabing nasa tamang direksyon ang ginagawang hakbang para mapanagot ang responsable sa maanomalyang kontrata.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply