Water commission ni Angara, kinontra

MAHIGPIT na kinontra ng isang grupo ang panukalang batas ni Sen. Edgardo Angara na naglalayong magtayo ng Water Regulatory Commission na siyang lulusaw sa mahigit 5,000 local water districts sa buong bansa.

Sa ginanap na rally sa harapan ng Senado ngayong araw, sinabi ni Gilbert Camaligan, national chairman ng Philippine Association of Water Districts na sakaling matuloy ang pagtatayo ng Water Commission ni Angara, ay tiyak na mawawalan ng hanapbuhay ang mahigit 20,000 empleyado.

“We expressed disappointment on Angara proposal on creating a Water Regulatory Commission since it will displaced more than 20,000 employees of local water districts,” ayon kay Camaligan.

Sinabi ni Camaligan na bukod sa mawawalan ng hanapbuhay ang mahigit 20,000 katao, maantala din umano ang paghahatid ng tubig sa mahigit 25 milyong local residents sa kanayunan na nabebenipisyuhan ng local water districts.

“Water districts are not only after income but also to deliver water services affordable to the poor families in the rural areas,” ayon kay Camaligan.

Ikinababahala din ni Camalaigan na tataas ang presyo ng tubig dahil papalitan ng pribadong sektor ang water districts na kontrolado ng pamahalaan.

Ipinaliwanag naman ni Angara na layunin ng panukala na magtayo ng isang regulatory commission upang tutukan ang pagpapa-unlad sa serbisyo sa paghahatid ng tubig sa buong bansa.

“This indicates an extensive network of water suppliers but inadequate centralized regulations. Regulatory bodies involved have different practices, processes and fees. Their functions and jurisdiction inevitably overlap. It is imperative that an independent economic regulator be made in charge of regulating water supply, sewerage and septage management services so universal access can be realized faster,” paliwanag ni Angara sa panukala.

Sa ngayon, maraming regulatory bodies ang humahawak sa paghahatid ng tubig sa buong bansa kabilang ang National Water Resources Board (NWRB), Local Water Utilities Administration (LWUA) at local government units. May Special regulatory bodies naman tulad ng Subic Bay Regulatory Board and Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply