Water district privatization haharangin ng PAWD

UMALMA ang Philippine Association of Water Districts (PAWD) matapos ipanukala ng dalawang kapulungan ng Kongreso ang Senate bill # 2997 at House bill # 5497 para sa pagsasapribado ng water districts na kontrolado ng gobyerno.

Ayon kay Gilbert Camaligan, marami aniyang maapektuhang kawani ng water districts sakaling magkaroon ng katuparan ang naturang panukala na roon lamang umaasa sa mga gastusin nila sa pang-araw-araw na kabuhayan, bukod pa ang mga pangunahing pangangailangan kasama na ang transportasyon, gamot at pagpapaospital.

Simula aniya nang itayo ang water districts noong 1973, ang kategorya nito ay ‘quasi-public corporation’ kung kaya ang mga empleyado nito ay kasapi ng SSS ngunit noong 1991 ideneklara ng Korte Suprema na Government Owned and controlled Corporations o GOCCs kaya inilipat sila sa  GSIS.

Dahil sa nangyari nagkaroon na ng problema sa pagbabayad ng premium na hindi pa rin nasosolusyunan hanggang sa ngayon na naapektuhan ang mga empleyado lalo na yung nag–retire sa serbisyo.

Kung sakaling maisapribado ang water districts ay babalik muli sa SSS ang mga empleyadong magreretiro kung sakali man.

Sa mga hindi naman magreretiro sa Water Districts ay may malaking problema naman silang kakaharapin dahil hindi pa rin nalulutas ang kaso sa pagitan ng SSS at GSIS at malaking gulo pa ang maaaring mangyari sa pagkukuwenta ng retirement pay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply