Water samples sa Tuburan Cebu nagpositibo sa dumi ng tao

KONTAMINADO ng bacteria mula sa dumi ng tao ang water samples na nakuha mula sa bayan ng Tuburan Cebu kung saan nagkaroon ng typhoid fever outbreak.

Ito ang kinumpirma mismo ng Department of Health-7.

Ayon kay Dr. Angelita Salarada, officer-in-charge ng DOH-7, base sa kanilang ikinasang laboratory test, ay nagpositibo sa dumi ng tao ang mga water sample.

Ang water samples ay kinuha sa suplay ng tubig sa Barangay Marmol, Magdagooc-Calangahan at Alegria.

Batay sa huling bilang ng DOH-7, nasa 1,089 na residente na ang dumulog sa health center dahil sa nararansang sintomas ng typhoid fever.

Nasa lima naman ang iniulat na namatay dahil sa sakit.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply