Welder kinatay, itinapon sa ilog

KINATAY muna bago itinapon sa ilog ang isang welder ng mga nakaaway sa Navotas kaninang umaga.

Patay na at tadtad ng saksak sa katawan nang matagpuan si Joel Macaraga, 24 ng Oliveros st., Tangos ng lungsod.

Pinaghahanap naman sina Rafael Balajadia at isang kilala sa tawag na “Weng-weng” ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa ilog sa North Bay Boulevard North ng lungsod.

Sa pahayag ng kaibigan ng biktima na si Hector Salazar, bago ang insidente ay nasabi sa kanya ni Macaraga na pinagbabantaan ang kanyang buhay ng mga suspek.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis sa nasabing insidente. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply