Whistleblower Act pasado na sa Kamara

NAIPASA na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang Whistleblower Act na magbibigay ng proteksyon sa sinumang lalantad upang ibulgar ang katiwalian sa ilang ahensya ng gobyerno at opisyal ng pamahalaan.

Nakapaloob sa inaprubahang panukala ng Kamara na makatatanggap ng mula P100,000 hanggang P200,000 ang sinumang magbubunyag ng katiwalian sa anumang ahensya ng gobyerno.

Maaari pa itong madagdagan ng P50,000 hanggang P100,000 kapag naisampa ang kaso at nakumpleto ang kanilang testimonya sa korte.

Isinasaad din sa panukala na mabigyan ng matinding proteksyon ang mga whistleblower dahil hindi maaaring tanggalin ang mga ito sa kanilang trabaho lalo na kung ang kanyang amo ang kanyang ibinunyag.

Magkakaroon din ng immunity sa kaso ang whistleblower dahil hindi ito maaaring kasuhan ng paninira ng opisyal o sinumang tauhan ng gobyerno na kanyang ibinunyag lalo kapag mapapatunayan ang kanyang alegasyon.

Tiniyak naman ng liderato ng Kamara na pagtitibayin sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukala sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply