Whitney Houston aksidenteng nalunod sa bathtub

AKSIDENTENG nalunod ang beteranang singer na si Whitney Houston sa bathtub kaya ito namatay.

Ito ang naging resulta ng imbestigasyon ng LA County Coroner sa kaso ng pagkamatay ng diva.

Matatandaan na natagpuang wala nang buhay si Whitney sa bathtub ng kanyang hotel room sa Beverly Hills noong Pebrero.

Ayon naman sa LA police, ang atherosclerosis heart disease at paggamit ng cocaine ng singer ay naka-contribute sa kanyang pagkamatay.

Unang napaulat na may mga prescription drugs na natagpuan ang pulisya sa kaniyang hotel room, gayundin ang ilang mga gamot gaya ng Xanax, Ibuprofen at Midol.

Batay din sa toxicology tests, nakitaan ng drugs gaya ng marijuana, anti-anxiety drug Xanax, muscle relaxant Flexeril at allergy medicine Benadryl, ang mahusay na singer.

Gayunman, ang mga nabanggit na drugs ay hindi naka-contribute sa pagkamatay ng singer.

Nakatakdang isapubliko ang final coroner report sa loob ng dalawang linggo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply