Williams dinala ang 76ers

TILA nauupos na si Jeremy Lin dahil natikman ng New York Knicks ang ikalimang sunod na kabiguan sa nagaganap na 2011-12 National Basketball Association,
(NBA) regular season.

Tumikada lamang ng 14 puntos, pitong na assists at anim na turnovers si Lin kaya naman tinalo sila ng Philadelphia 76ers, 94-106 kaninang umaga.

Nasa tuktok ng Atlantic division ang Sixers na may 25-17 win-loss slate habang pangatlo ang Knicks na may kartang 18-23.

Kumamada si 76ers bench player Louis Williams ng 28 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists upang ilista ng Sixers ang three-game winning streak at kumapit sa pang-apat na puwesto ng eastern Conference kung saan ay hawak ng Chicago Bulls ang top spot.

“I was just able to get some good looks,” wika ni Williams. “In the third quarter, played with a ton of confidence and felt like I could make any shots.”

Nakabuslo si Williams ng long jumper bago tumunog ang halftime buzzer at nagtarak pa ito ng 12 puntos sa final 3:28 sa third canto.

“Third quarter, I guess, you know they hit a lot of shots, we were a step slow on defense and I didn’t take care of the ball,” pahayag ni Lin. “So they get easy run-outs in transition and then we didn’t box out the way we should have, so more easy baskets and they get into a flow, they get into a rhythm.”

Si star player Carmelo Anthony ang nag top scorer sa New York matapos isalpak ang 22 markers, nine boards at tatlong assists.

“When we get down, it just seems like our whole energy just goes out the door,” ani Anthony.

Nag-ambag naman si point guard Evan Turner ng 24 points, 15 boards at dalawang assists para sa Philadelphia habang 19 pts., walong assists at pitong boards
ang ginawa ni Andre Iguodala.

Sa ibang NBA resulta, naitakas ng Los Angeles Lakers ang panalo laban sa Boston Celtics, 97-94 habang luhod ang Sacramento Kings sa Atlanta Hawks, 99-106.

Williams dinala ang 76ers
loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply