Wina-wire tap ako– Corona

SINABI ni Chief Justice Renato Corona na wina-wire tap umano ang kanyang cellphone, linya ng komunikasyon at inaalam kung saan siya nagpupunta.

Dahil dito, nagdagdag na si Corona ng security personnel para sa kanyang pamilya.

Una rito, gumagamit na ng bulletproof car ang punong mahistrado dahil sa sinasabi niyang banta sa kanyang buhay.

Sa katunayan aniya, may nakikita na umano siyang umaaligid-aligid na naka-motorsiklo sa tapat ng kanilang bahay sa Quezon City.

Ang sinasabing banta sa buhay ng punong mahistrado ay ayon mismo sa kanyang kaibigan na sa intelligence community.

Samantala, nilinaw ni Corona na sarili niyang pera ang ibinabayad sa security pati na sa nirerentahang bulletproof car.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply