Witness ng depensa, caretaker ni Corona- Tupas

IBINULGAR ni Iloilo Rep. Niel Tupas na caretaker ni Chief Justice Renato Corona ang isang testigo ng Defense Panel na nagsasabing siya mismo ang may-ari ngayon ng isang ari-arian ng punong mahistrado na hindi nakalista sa kanyang statement of assets and liabilities and net worth (SALN).

Sa eksklusibong panayam, sinabi ni Tupas, lead prosecutor ng House Panel, na natukasan nilang caretaker ng pamilya Corona si Demetrio Vicente, ang pangatlong saksi na iniharap ng defense panel sa impeachment court kahapon (Martes, Marso 13).

“We have learned and it is the theory of the prosecution that the witness, Demetrio Vicente, was a dummy of Chief Justice Corona since he is the caretaker of their property in Marikina,” ayon kay Tupas.

“He personally pays for the taxes, duties and other payments of the property for the Coronas’ since he was the caretaker of the property,” paliwanag pa ng mambabatas.

Sinabi ni Tupas na lubhang napaka-imposibleng hindi inilipat ng buyer sa kanyang pangalan ang isang malaking ari-arian na nabili nito sa loob ng 22 taon mula nang mabayaran nito ang lupa’t bahay ni Corona.

“For 22 years, he did not transfer the property to his name,” giit ni Tupas.

Sa kanyang testimonya kahapon, sinabi ni Vicente na nabili niya sa pamilya Corona ang Marikina property nito noong 1990 na siya ang nagbabayad ng real property tax kahit hindi pa nasa kanyang pangalan ang ari-arian.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply