Woodson buwenas sa New York Knicks

HIYANG na hiyang ang New York Knicks sa sistema ng kanilang interim coach na si Mike Woodson.

Pinalitan ni Woodson ang dating head coach na si Mike D’Antoni at sa pagtawag nito ng play sa Knicks ay nagkadena ito ng limang sunod na panalo kasama ang paggapi sa Philadelphia 76ers, 82-79 kaninang umaga sa naganap na 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

“I was sweating a little bit tonight,” wika ni Woodson. “But I learned that my team is not going to buckle, and I honestly believe that they believe they can win any game that they play now.”

Si forward Amare Stoudemire ang top scorer sa Knicks na may tinikadang 21 puntos, siyam na rebound at dalawang assist upang ilista ang 23-24 win-loss slate.

Nag-ambag din sina Jeremy Lin at Carmelo Anthony ng 18 pts. at 10 pts. ayon sa pagkakasunod upang tatlong panalo na lang ang hahabulin ng Knicks sa Sixers na umuokopa ng top sa Atlantic division.

“We’re building, we’re getting better, we’re feeling more confident,” ani Lin. “We’re creating a team identity.”

Isang monster dunk at pull-up jumper ang kinana ni Stoudemire upang makuha muli ang lamang ng Knicks.

Kumana naman si Jrue Holiday ng 16 points, six assists at isang steal para sa Sixers habang sinegundahan siya nina Andre Iguodala, Louis Williams at Jodie Meeks na may tig-13 puntos.

Sa ibang NBA resulta, sinuwag ng Chicago Bulls ang Toronto Raptors, 94-82 habang dinagit ng Atlanta Hawks ang Cleveland Cavaliers, 103-102.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply