World TB day idinaos sa Caloocan

PINANGUNAHAN ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri ang pagdiriwang ng World TB Day Celebration na ginanap kasabay ng pag-aanunsiyo ng pakikipagtulungan ng iba’t ibang grupo upang tuluyang masugpo ang naturang sakit.

Kasama ni Echiverri na dumalo sa naturang pagdiriwang sina Madam Puri Echiverri, Liga ng mga Barangay sa Pilipinas President, Councilor Ricojudge “RJ” Echiverri at iba pang opisyal ng lungsod at kinatawan ng Department of Health, iba’t ibang grupo at business sectors na makatutuwang ng lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng sakit na TB.

Ang nabanggit na programa na may temang “Stop TB in my lifetime, Stop TB in the City of Caloocan ay ginanap sa Bulwagang Katipunan na matatagpuan sa ikalawang palapag ng Caloocan City Hall main noong Biyernes.

Kasabay nito, inanunsiyo din ni Mayor Recom ang mga pharmacy partners ng lokal na pamahalaan sa paglaban sa sakit na TB na kinabibilangan ng RD’s Drugstore, New Mabini Drugstore, Marval Pharmacy and General Merchandise, Perfect Option Generics Pharmacy, HBMH Pharmacy, Perlas Pharmacy at Mercury Drugstore (Plaza, C3, Maypajo, Gen. Simon at Monumento Branches).

Kabilang naman sa hospital partners ay ang President Diosdado Macapagal Medical Center, Acevedo General Hospital, Nodado Medical Clinic, Our Lady of Lourdes Hospital of Caybiga, Nodado General Hospital at John Paul Hospital.

Katuwang din ng lokal na pamahalaan ang mga laboratories ng President Diosdado Macapagal Medical Center, Morinaga Clinical Laboratory, Caritas Health Shield-Monumento, Dominico Medical and Laboratory Services, Our Lady of Lourdes Hospital of Caybiga, Inc., Nodado Medical Clinic, Acevedo General Hospital at ang Three Kings Diagnostic Clinic habang ang mga kumpanya namang makikipagtulungan ay ang JBC Food Corporation, Victory Liner, Inc., Bernabest Food Products (Siomai House), Honda Cars, Caloocan at Caloocan Slaughterhouse.

Dahil sa pakikipag-tulungan ng iba’t ibang grupo sa labang ito sa sakit na TB ay naniniwala si Mayor Recom na lalo pang lalakas ang kampanya ng lokal na pamahalaan sa paglaban sa naturang sakit.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply