World Water Day! Katiyakan sa tubig, katiyakan sa pagkain

ANG Pilipinas sa pamamagitan ng DENR River Basin Control Office ay muling mangunguna sa isang panloob na pagkakaisa sa ahensya upang ipagdiwang ang pangyayari.

Ang local na tema ay “Katubigan Pangalagaan! Para sa Tiyak na Masaganang Hapag Kainan”.

Kailangan nating ikampanya ang malusog na paraan ng pamumuhay, na nangangahulugan ng masaganang pagkain mula sa isang mahabang pamamaraan ng pagsasaka na umuobliga sa atin upang pangalagaan ang tubig at ipagsanggalang ang kapaligiran.

• March 16, 2012 – On the Spot Painting Contest ng Elementary students and students with Autism.

• March 19, 2012 – WWD 2012 Kick-off Painting and Illustrated Slogan Exhibit (DENR & NWRB)

Ano Ang Inihahandog ng World Water Day sa Taong March 22, 2012?

• Water Knowledge Fair 2012 sa EDSA Shangri-la (NEDA and DPWH)

• Philippines Walks for Water and Record Setting for Largest Human Drop at Quirino Grandstand.

• World Water Day 2012 Festival sa Manila Ocean Park

• Tree Planting at Siniloan, Laguna Riverbank (LLDA and Municipality of Siniloan)

• Mangrove Planting at Barangay Tanza, Navotas (DENR)

Ayon kay Executive Director Vicente B. Tuddao, Jr.,( DENR – River Basin Coordinating office) ang pandaigdig na World Water Day ay ginaganap taon-taon, tuwing sasapit ang Marso 22.

Ito ay paraan upang ituon ang pansin sa kahalagahan ng sariwang tubig at ang paghahayag sa pagpapatuloy ng pangangasiwa sa mga mapagkukunan ng sariwang tubig.

Isang pandaigdig na araw upang ipagdiwang ang ukol sa sariwang tubig, ay itinagubilin noong 1992, sa United Nations Conference on Environment and Development (UNCED).

Ang United Nations General Assembly ay tumugon sa pamamagitan ng pagtatakda noong March 22, 1993, na kauna-unahang World Water Day.

Sa bawat taon, ang pinakatampok sa World Water Day ay ang tanging aspeto ng sariwang tubig.

Tunay bang alam natin kung gaano ang nagagamit nating tubig sa araw araw?

Paano natin mapapakita ang ating paraan ng pagkain, para maibaba natin ang bakas sa ginagamit na tubig?

Ang kumpanya sa World Water Day 2012, na “Water and Food Security” kung gayon ay tunay na napapanatili tungo sa kaliwanagan patungkol sa Climate Change, pagtaas ng populasyon at pag–unlad ng ekonomiya.

May 7 bilyong tao ang pinakakain sa mundo ngayon, at may 2 bilyong iba pa na inaasahang makikisangkot sa 2050. Ayon sa istatistika bawat isa sa atin ay umiinom mula sa 2 hanggang 4 na litro ng tubig sa araw araw. Subalit karamihan sa tubig na ating iniinom ay nakasama sa pagkain na ating kinakain: Ang paggawa sa 1 kilo ng baka halimbawa ay kumukunsumo ng 15,000 litro ng tubig, samantalang ang 1 kilo ng wheat ay kumukunsumo ng 1,500 litro.

Kapag ang bilyong tao sa buong mundo ay nabubuhay na sa pamamagitan ng Chronic hunger, at ang pinagkukunan ng ating tubig ay hindi na maayos, hindi na natin maitatago pa ang mga suliraning tulad nito, at tiyak na lalaganap sa buong kapuluan.

PANGALAGAAN ANG MGA KATUBIGAN NANG MATAMO ANG SAPAT NA PAGKAIN PARA SA LAHAT

Upang tayo ay makaagapay sa paglobo ng populasyon, gayundin para makatiyak sa mapagkukunan ng masustansyang pagkain para sa lahat, kailangan natin panagawagan at pagtalima ng lahat para tayo ay makatulong sa pamamagitan ng:

1.    Pagkunsumo ng mas kakaunting mga produktong nangangailanga ng gamitan ng
tubig.

2.    Pababain ang eskandalosang pag – aaksaya ng pagkain sa 30% na ginagawa sa buong mundo, at ang tubig na nagagamit sa paraang ito ay naaaksaya.

3.    Gumawa ng mga pagkain na may mahusay na kalidad subalit ginagamitan lamang ng kaunting tubig.

4.    Sundin ang malusog na paraan sa pagkain.

5.    Protektahan at pangalagaan ng wasto ang mapagkukunan ng sariwang tubig, tulad ng ilog, lawa at mapagkukunan ng tubig sa lupa.

Sa lahat ng mga hakbang, sa kabuuang panustos mula sa mga gumagawa at kumukunsumo, ang pagtupad ay kailangan, upang iligtas ang tubig at makasiguro na may pagkain ang lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply