Writ of amparo ni Gatdula ipinababawi ni De Lima

NAGHAIN ng mosyon for reconsideration sa Manila RTC ang kampo ni Justice Secretary Leila de Lima upang ibasura ang ipinagkaloob ng kay dating NBI director Magtanggol Gatdula.

Batay sa 52-pahinang motion for reconsideration na inihain nina De Lima, NBI OIC Nonnatus Rojas at NBI Deputy director Reynaldo Esmeralda, sà pamamagitan ni Deputy Office of the Solicitor General na si Amparo Tang, kanilang hiniling na bawiin ng korte ang ipinagkaloob na writ of amparo kay Gatdula.

Iginiit din ng kampo ni De Lima na hindi sa kanila galing ang banta sa buhay na sinasabi ni Gatdula.

Dagdag pa ng grupo ni De Lima, irrelevant din ang kahilingan ni Gatdula na muling siyasatin ang sasakyan na ginamit ni Esmeralda nang tambangan ito sa Maynila.

Bukas (Marso 27) nakatakdang dinggin ang naturang mosyon sa sala ni Manila RTC Branch 26 Judge Silvino Pampilo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply