Writ of kalikasan inihain vs Manila Bay Reclamation

NAGHAIN kahapon ng writ of kalikasan sa Korte Suprema ang misis ni Senador Manny Villar na si Cynthia Villar laban sa reclamation project sa mahigit 600 ektaryang tubig ng Manila Bay na sumasakop sa mga Coastline ng Bacoor, Las Piñas at Paranaque.

Hiniling ng dating kongresista sa Korte Suprema na magpalabas ng temporary environmental protection order (TEPO) para mapigilan ang pagsasagawa ng mga kumpanya ng kontruksyon sa naturang reclamation project.

Kasabay nito, nanawagan din si Villar sa Department of Environment and Natural Resources, Environmental Management Bureau at sa pamunuan ng Lungsod ng Las Pinñs na isaalang-alang ang kapakanan ng mga mamamayan at ng kalikasan.

Layunin ng petisyon ni Villar na mapigilan ang Parañaque at Las Piñas Bay Project dahil lubha umanong maaapektuhan ang mga residente sa Las Piñas, Parañaque at Bacoor, Cavite.

Giit pa ng dating kongresista, maaapektuhan ng nasabing proyekto ang mga wildlife habitat sa naturang area at mismong ang kalikasan.

Naniniwala si Villar na sa sandali umanong matuloy ang nasabing proyekto, lubha silang maaapektuhan lalo na kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, gaya ni Ondoy dahil tiyak na babahain ang Las Piñas dahil dito na babagsak ang tubig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply