Yari kayo kay Sec. Robredo at panawagan kay Chief PNP

SA halip na hulihin ang mga bumaril at bumugbog kay Fernan Angeles ng pahayagang Tribune ay mas minarapat pa ng PNP-Eastern Police District na yurakin ang kredibilidad ng biktima.

Kaliwa’t kanan na pahayag ang ipinalabas ng PNP na nagsasabing involved sa iligal na droga ang biktima.

GAGONG PULIS!

Kung hindi ba naman gago ang mga pulis na ito, sa halip na hulihin ang namaril mas inuna pa ang pag-serve ng warrant sa nag-aagaw buhay na si Angeles.

Sa loob pa mismo ng Intensive Care Unit gusto i-serve ng mga gago.

Isang tanong lang sa mga gagong pulis na ito….

Nangangahulugan ba na kapag adik ka ay puwede ka nang patayin?

TONGPATS ANG PNP

Malaki ang hinala ng DILG na may tongpats sa mga pulisan este pulis na ito kung kaya’t pilit na pinipilipit ang kaso para iba ang pumasok sa isipan ng tao.

MAHIWAGANG TEXT

Bago mangyari ang pamamaril kay Angeles ay isang text ang pinadala nito kay dating EPD Dir. Francisco Manalo, tungkol sa raket sa droga ng EPD-Pasig Police na huhulihin muna ang pusher tapos ay pulis na rin mismo ang magbebenta ng mga mahuhuling droga.

Yung bang === “recycle” kung tawagin.

Makalipas ang 14 na oras ay binaril na ito at binugbog ng mga taong isinusumbong n’ya.

Ehem! Magkanooooo?

NABUWISIT SI SEC. ROBREDO

Kahapon ay personal na kinausap ni DILG Secretary Jesse Robredo ang maybahay ni Fernan Angeles.

Dito ay tinawagan mismo ni Robredo ang ngayo’y retirado nang si Manalo at hinihingan ng paliwanag kung ano ang tunay na nangyari.

Base sa pahayag ni Manalo, nai-text din daw n’ya kay Pasig City Police Chief S/Supt. Jessie Cardona ang mensahe ni Angeles na inamin din naman ng huli nang makausap ito ni Sec. Robredo.

Sa madaling salita ay mismong sa Pasig City Police department may hudas kung kaya nalaman ng mga tarantado na ang tipster ay si Angeles.

FULL REPORT

Hayun! Full report ang hinihingi ngayon ni Sec. Robredo galing kay S/Supt. Cardona kung ano talaga ang nangyari.

He!He!He! Kaya huwag tayong magtataka kapag nabalitaan nating sibak na ang ugok na hepe na ito.

PNP CHIEF

Rekta na ang panawagan ng ating katoto na si Nelson Flores kay Chief PNP Nick Bartolome sa naganap na pagpatay kay Luzviminda Santos d’yan sa Malolos, Bulacan.

Dahil mukhang inutil daw ang Bulacan PNP dahil hanggang kasalukuyan ay blangko pa rin ang mga ito sa imbestigasyon.

Aba’y inutil nga!

MATANDANG WALANG LABAN

Base sa impormasyon, tinatayang humigit-kumulang ay 70-anyos na ang biktima, pinatay sa bugbog si Aling Luzviminda noong isang Linggo ng umaga nang mga hindi pa nakikilalang salarin.

Maaaring kilala ng biktima ang mga mamamatay-tao batay sa paraan ng pagpatay sa kanya.

Maliban sa konting salapi ay wala nang iba pang ninakaw sa bahay bagama’t hinalughog ito ng husto.

Maliit at mahinang babae si Aling Luzviminda kaya malayo na naging banta siya sa mga pumatay sa kanya kahit na sabihin na nanlaban pa ito.

Pagpapatunay lang na malupit at talagang mala-halimaw ang mga kriminal na ito.

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

KOTONG SA UN AVENUE

Good pm po. Pakikalampag lang po yung UN Avenue police headquarter. Sa UN Avenue at Taft Avenue, grabe ang pangongotong sa mga vendor. Kaunti na nga lang ang kinikita namin, kinokotongan pa kami araw-araw.

Bakit yung mga holdaper at snatcher ang ‘di nila hulihin? Mabuti sana kung may ticket sila, eh wala. Kawawa naman ang mga  vendor. Pakiaksyonan naman po ang mga abusadong buwaya. Thanks. God bless. +63906759

KUBRADOR SA CITY HALL

Good pm po, sir. Dito po mismo sa loob ng city hall ng Pasay ay malayang nakapangungubra ng iligal na lotteng ang isang kubrador na ang pangalan ay ROSE.

Alam po kaya ito ni Mayor Calixto ng Pasay City? Huwag na po ninyong i-publish ang number ko. God bless po. +63946895….

CALLING MAYOR BINAY

Makisuyo naman po kay Mayor Junjun Binay. Kung puwede, lagyan din ng puting guhit o linya itong magkabilang flyover ng Buendia. Mahirap mag-drive lalo na po sa gabi. Thanks. +63921986..

TANONG SA BUWIS SA QUEZON CITY

Good am po, Sir Benny  Antiporda ng ultimatum.

Sir, itatanong ko lang po sana sa inyo ang tungkol sa local government ng Quezon City o BIR ng lungsod na ito.

Dapat po ba na kaming maliliit na manininda rito sa Litex Market ay  magbayad pa ng buwis samantalang hirap na nga po kami sa pagbabayad ng aming stall araw-araw sa halagang isang daang piso?

Baka naman po pupuwede na kaming maliliit na manininda ay ietsapuwera sa mga buwis na yan.

Maraming salamat po, sir. Sana po makarating ito sa mga kinauukulan. God bless you. +63930493….

PUNA KAY CONG MITOS

Bakit ba yang si Mitos Magsaysay na yan ay ngawa nang ngawa sa mga appointee ni PNoy kung ‘di siya kakampi ng pinakakorap? Sinisira niya ang imahe ni Pangulong Ramon Magsaysay.  +63918912….

oOo

Anomang reklamo o puna ay itawag o i-text sa 09214303333.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply