Yul Servo binatang ama sa 3 anak

IDEAL father si Yul Servo sa kanyang tatlong anak sa pagkabinata. Laging may oras siya sa mga bata kahit hindi niya kasama sa isang bahay, regular niyang pinupuntahan, ipinapasyal at well provided sa anumang pangangailangan.

Lahat sila’y nag-aaral sa private school at hatid-sundo ng service.

Ganyan kamahal ni Yul ang kanyang tatlong anak na nagbibigay inspiration sa kanya sa araw-araw na trabaho bilang konsesal ng third district ng Manila ( Binondo, Quiapo, Sta Cruz, San Nicolas) at bilang actor na kasama ngayon sa top rating soap na Biritera.

Ani Yul: “Iisa lang naman ang ina ng tatlo kong anak, si Lhen. Panganay namin si Lucas, 13, na first year high school, sumunod si Luis, 8, na Grade 4 at si Clarisse, 7, na Grade 1. Pawang nag-aaral ang tatlo sa St. Stephen High School sa Manila.”

Sa tatlo, nakikita niya na may bahid na puwedeng sundan ang yapak niya ay ang panganay na si Lucas. Mahilig sa stage play sa school, bukod pa rito active sa school activities kapag may program tulad sa pagkanta at pagsasayaw.

Ani Yul:”Hindi ko sila ibinubuyo pa sa pag-aartista. Bagkus, gusto silang mag-enjoy ngayon sa pag-aaral. Tulad ko tapos na ako ng kursong Criminology nang pasukin ko ang showbiz. Sa ngayon naman, lahat sila’y well-behaved. Salamat sa magandang patnubay ng kanilang ina. Close ang mga bata sa akin dahil madalas ko silang bisitahin at nakikipaglaro ako sa kanila noong bata pa sila. Pag puwede kong isama sa showbiz affair, kung walang pasok, game naman silang makita ang daigdig na kinaaaniban ng kanilang ama.”

Bukod sa pagiging kontrabida ni Yul ngayon sa Biritera, na partner si Rich Asuncion sa pagmamalupit sa bidang si Roseanne, gumagawa pa rin ng film si Yul. Latest niyang indie film ay ang “Hindi Tao, Hindi Hayop” na kasama si Orlando Sol bilang younger brother niya.

Sexy sa movie si Orlando, pero si Yul ay lalabas na tagapayong older brother nito.

Idinirek ang movie ni Dennis Empalmado.

000

PAGDATING sa sayawan, may ibubuga talaga sina Rich Asuncion at Glaiza de Castro na pawang stars ng Biritera. Sa kanilang production number sa Party Pilipinas last Sunday, aba, ang galing nilang sumayaw bukod pa sa may sexy curve talaga ang dalawa na siyang gustung-gusto ng mga kalalakihan.

Pero iba ang nakita namin nang sumabay si Rhian Ramos kina Glaiza at Rich.

Halatang pagdating sa sayawan ay wala itong ibubuga. Sa mga interview naman kay Rhian ay vocal naman siyang nagsasabi na hindi siya gaanong magaling. Mas gusto pa niyang kumanta. In fact noon ay binabalak niyang maglabas ng sariling album.

Kina Glaiza at Rich, pareho lang nilang minamani ang pagsasayaw. Sadya yatang may mga artistang pinagpalang multi-talented sa kanilang chosen career.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply