Zamboanga airport humingi ng tulong sa Balikatan Forces

NANAWAGAN ngayon ng tulong ang pamunuan ng Zamboanga International Airport (ZIA) sa Balikatan Forces para tulungan na sila para makumpuni ang nasirang lighting facilities para makalapag ng maayos ang mga eroplano sa naturang paliparan.

Ayon kay Celso Bayabos, airport manager ng (ZIA) nakikipag-ugnayan na sila sa mga sundalo ng U.S. forces na dumadalo sa balikatan na tumulong para makumpuni ang runway lights ast approach lights para maibalik ng husto ang operasyon ng (ZIA).

Ayon kay Bayagos, inuuna nila ang kapakanan ng mga pasahero na nakasakay sa commercial plane, pero kung ito ay mga military plane nasa diskresyon na ito ng piloto kung magta-touch down sila sa paliparan.

Ipinaliwanag ni Bayabos, na dahil ang paliparan ay kinokonsiderang Inernational Airport sakop ng national standard, hindi na puwedeng bumaba ng anumang sasakyang panghimpapawid.

Kailangan ding maayon muna ang indicator na nagbibigay signal sa mga piloto kung mababa o mataas ang eroplanong bumababa sa paliparan.

Sinabi pa ni Bayabo na ayaw na nilang mangyari ang naganap na insidente nang sumadsad ang isang eroplano ng PAL noong March 9,2011 na ikina-istranded ng mahigit 100 pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply