Zoren Legaspi, BB Gandanghari maghaharap na!

NAKAKALOKA! Sa unang pagkakataon ay maghaharap na ang kontrobersyal na si BB Gandanghari at Zoren Legaspi.

Magaganap ito sa showbiz talk show program ng TV5 sa Sabado.

Si Zoren kasi ang naatasan na mag-interview kay BB Gandanghari na ex-husband ng kanyang asawang si Carmina Villarroel.

Ayon sa balitang kumakalat, ang pamosong TV5 ang nagpauwi kay BB Gandanghari sa Pilipinas para bigyan ito ng isang programa sa nasabing istasyon.

Bongga di ba?

Ngunit hanggang ngayon ay no comment pa ang TV5 kung totoong isang reality show ang iho-host ni BB.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply