‘Common CR’ sa mga establisimyento ipagbawal

UMAPELA ang isang opisyal ng Manila City Hall sa mga negosyante at may-ari ng mga restaurant sa lungsod na ipagbawal ang “common CR” upang mapanatili ang kalinisan.

Ayon kay City Administrator Jesus Mari Marzan, dapat lamang na hiwalay ang comfort room (CR) ng lalaki at babae sa mga restaurant upang mas maipatupad ang kaayusan at kalinisan sa mga gumagamit nito.

Maiiwasan din nito ang anumang pambabastos o paninilip ng mga kalalakihan sa mga kababaihan.

Aniya, malaking tulong din ito upang dumami ang mga customer ng mga restaurant dahil isa ito sa mga pangangailangan ng mga customer.

Paliwanag ni Marzan na ilan sa mga establisimyento sa lungsod ay mayroon lamang isang CR kung kaya’t humahaba ang pila sa paghihintay ng gagamit nito.

Giit ni Marzan, na ginawa ng city government ang hiwalay na CR sa ilang pampublikong lugar sa lungsod upang maiwasan ang anumang insidente ng pambabastos at mapanatili ang kalinisan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply