‘Di lang matuwid, malinis din na daan

WALA nang magiging problema ang administrasyon sa pagpili ng mga magiging kandidato sa gaganaping halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa 2013.

Ito mismo ang tiniyak ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III na iniutos din ang pagtutok sa electoral reform sa rehiyon na nakilala na bilang lugar ng dayaan tuwing halalan.

Hindi pa man pinapangalanan, may lineup na raw si PNoy ng kanyang magiging manok.

At hindi na uubra ang paggamit ng guns, goons and gold.

-000-

Matatandaan na inurong ang halalan na nakatakda sana noong Agosto 2011 sa ARMM, kasunod ng pagpasa sa batas ng Kongreso na gawin na lamang ito sa 2013.

Kasabay nito, siyempre ang pagtitiwala niya sa pagtalaga pansamantala bilang gobernador ng ARMM kay dating AMIN party-list Rep. Mujiv Hataman.

Naniniwala kasi si PNoy, na kung taglay ng isang namumuno ang katulad na hangarin ng isang Pangulo sa pag-abot sa kapayapaan at malinis na pamamahala, walang ibang direksyong mapupuntahan ang ARMM kundi ang matuwid na daan.

Hindi lang matuwid, malinis pa.

-000-

Siyempre pa, bahagi ng malinis na eleksyon na nais ni PNoy ay ang paglinis sa listahan ng mga botante ng ARMM na ngayon ay siya mismong tinututukan ng National Statistics Office (NSO).

Mula sa nadiskubreng 1.08 milyong discrepancy sa populasyon ng ARMM, batay na rin sa pagrebisa sa 2007 at 2010 report,  nakapagbura na ang nasabing ahensiya ngayon ng 236,000 double registrants.

Yan mismo ay mula sa listahan ng Maguindanao, Basilan, Lanao del Sur, Sulu, at Tawi-Tawi.

Biruin n’yo un?

-000-

At dahil matuwid na daan na ang ipinaiiral ngayon sa ARMM, ibinasura ng Comelec ang kasalukuyang listahan ng mga botante sa limang lalawigang sakop ng ARMM kahit na ba magkandakuba pa sila sa back to zero na trabaho.

At lahat ng ito ay may basbas ni Hataman.

Ika nga ni Hataman, suportado niya ang anumang hakbang na magrereporma sa ARMM upang umunlad ang rehiyon at maibalik ang tiwala ng mga tao sa proseso ng halalan.

Sa totoo lang, walang lugar na hindi uunlad kung nasa matuwid lang na pag-iisip ang mga namumuno.

Kaya ngayong bukas na ang ARMM sa mga pagbabago, itataya ko ang piso ko na kasunod ng pagkakaroon ng malinis na halalaan sa 2013, isang mapayang ARMM ang bubungad sa lahat.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply