‘Lookout order’ vs 8 Korean sa dog-fighting ikakasa

NAKATAKDANG magpalabas ang Department of Justice (DOJ) ng ‘lookout’ order laban sa walong Korean national na sangkot sa illegal dog-fighting sa bansa.

Ayon sa isang opisyal ng Bureau of Immigration (BI), inasahan nilang maglalabas ng ‘lookout’ order si Justice Secretary Leila De Lima para sa mga tauhan ng immigration sa mga pambansang paliparan at pantalan.

Ito ay upang mabantayan ang posibleng paglabas sa bansa ng mga nahuling dayuhan na miyembro umano ng sindikato sa iligal na paglalaban ng mga asong ‘pitbull’ sa Laguna noong isang linggo.

Ang ‘lookout’ order ay isang kautusan na nag-aatas sa mga immigration officer na isumbong kay De Lima o sa tanggapan nito ang mga dayuhan sakaling mamataan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang paliparan at pantalan.

Kabilang sa mga ilalagay sa ‘lookout’ order ay sina Lee Gwi-woo, 21-anyos; Jeong Yeon-hwal, 31; Noh Min-chul, 44; Lee Kyung-won, 31; Kim Young-hwan, 29; Hyun Ho-han, 45; Hong Jeong-oh, 43; at Kim Do-kyung, 41.

Ang mga dayuhan ay nahuli ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) habang nagsasagawa ng iligal na dog-fight sa Calauan, Laguna noong Biyernes.

Anim sa walong dayuhan ay una nang nasakote sa kaparehong krimen ng pulisya sa Indang, Cavite noong isang taon.

Hinihinalang mga turista ang mga nahuling dayuhan dahil walang naipakitang papeles ang mga ito sa pulisya.

Ayon pa immigration official, tumangging pangalanan na sa sandaling masampahan ng kaso sa korte ang mga dayuhan.

Ang ‘lookout’ order ay iaakyat sa hold departure order upang tuluyan nang mapigilan ang mga akusado na lumabas ng bansa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply