1.7 milyon Filipino shabu users – United Nations

MAY 1.7 milyon Filipino na ang gumagamit ng ipinagbabawal na droga, partikular ng shabu ayon sa ulat ng United Nations (UN).

Ito ay batay sa “2010 Patterns and Trends of Amphetamine-type Stimulants (ATS) and other drugs: Asia and the Pacific” report ng UN Office in Drugs and Crime (UNODC).

Kung sa kaso naman ng droga sa bansa, may 12,381 na at 35 o 1% lamang dito ang nahatulan noong 2008.

Taong Hunyo 2011, 900 kabataan ang mahigpit na pinag-aralan sa paggamit, pagtataglay, pagbebenta at iba pang kaso ng droga sa ilalim ng Dangerous Drugs Law.

Pero malaki ang ibinababa ang droga sa kalakaran ng .67 milyon noong 2004 batay sa ulat ng Dangerous Drugs Board (DDB) at ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA).

Subalit kahit na bumaba ang kalakaran sa paggamit ng iligal na droga sa bansa, kasalukuyang naghahanda ang House Committee on Dangerous Drugs na amiyemdahan ang Dangerous Drugs Act of 2002, na tututok sa mga kabataan na gumagamit ng droga.

Naghahanda si Rep. Vicente Belmonte, ang chairman ng komite ng resolusyon para itaas ang problema sa droga bilang malaking banta sa seguridad ng bansa.

Iniulat ng US State department na ang iligal na droga ay nananatiling malaking problema ng bansa dahil sa korapsyon at mahinang pagpapatupad ng batas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply