1 pang barko ng PCG patungong Scarborough

PATUNGO na sa sa Scarborough Shoal sa West Philippine Sea ang isa pang barko o ang BRP Edsa ng Philippine Coast Guard.

Ito ang kinumpirma ni Lt. Gen. Anthony Alcantara, commander ng Northern Luzon Command.

Ani Alcantara, nananatili pa ang dalawang barko ng PCG sa lugar kung saan dalawang surveillance ship din ng China ang namataan pa sa lugar.

Kaugnay sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa, tuloy pa rin ang pag-uusap nina Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario at Chinese Ambassador to the Philippines Ma Ke Qing.

Mismong si Foreign Affairs spokesman Raul Hernandez ang nagkumpirmang hindi pa tuluyang humuhupa ang tensyon sa Scarborough Shoal kahit na umalis na ang walong fishing vessel ng China noong isang linggo.

Nilinaw naman ni PCG spokesman Lieutenant Commander Algier Ricafrente na ang pagpapadala sa BRP Edsa ay hindi karagdagang puwersa ng Pinas sa Scarborough Shoal makaraang iulat na bumalik sa lugar ang isa sa mga Chinese ship na una nang umalis noong isang araw.

Ipinaliwanag ni Ricafrente, na papalitan ng BRP Edsa ang BRP Pampanga na magkakarga muli ng suplay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply