1 sa 3 Chinese vessel umalis na sa Scarborough

KINUMPIRMA ngayon ni Foreign Affairs Undersecretary Raul Hernandez na umalis na ang isa sa tatlong Chinese vessel na nasa 124 nautical miles sa Scarborough Shoal malapit sa Zambales.

Bago ang pag-alis ng barko, nakipag-meeting muna si Chinese Ambassador Ma Keqing kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario na nagresulta sa magandang usapan kaugnay sa tensyon sa pagitan ng Chinese fishermen at tropa ng pamahalaan sa nabanggit na lugar.

Nabatid na ang umalis na barko ay ang Chinese vessel na idinagdag ng China kahapon (Abril 12) sa Scarborough Shoal.

Una rito, inalis na ng Philippine Navy ang warship na Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Gregorio del Pilar sa Scarborough Shoal habang nagdagdag naman ng isa pang barko ang China roon.

Pero naglayag na patungo roon ang BRP Pampanga ng Philippine Coast Guard (PCG) para proteksyunan ang pinag-aagawang isla.

Ayon sa tagapagsalita ng Department of National Defense (DND), misyon ng BRP Pampanga na bantayan ang islang sakop ng 200-mile exclusive economic zone.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply