10 bahay naabo sa General Santos City

NILAMON ng apoy ang may sampung bahay sa General Santos City, ayon sa ulat ngayong umaga.

Sa ulat ng arson investigator ng Bureau of Fire Protection sa GenSan, nagsimula ang sunog sa isang boarding house na pag-aari ng isang pamilya Bataki sa Purok Asai Village, Barangay Bula, dahil sa napabayaang kandila.

Dahil dikit-dikit ang mga bahay mabilis na kumalat ang apoy.

Wala namang naiulat na namatay sa naganap na sunog.

Isa naman ang sinabing nasugatan at dinala sa ospital, na tumulong sa mga nasunugan.

Pansamantalang tumuloy sa isang basketball court ang mga apektadong pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply