2 patay, 5 sugatan sa bus explosion sa N. Cotabato

DALAWA katao ang binawian ng buhay habang lima pa ang nasugatan nang sumabog ang isang homemade bomb sa loob ng isang bus sa North Cotabato kaninang umaga.

Batay sa inisyal na ulat na nakarating sa Camp Aguinaldo, naganap ang pagsabog bandang 10:25 ng umaga sa bus terminal sa bayan ng Carmen.

Nabatid kay Colonel Leopoldo Galon, spokesman ng Eastern Mindanao Command (Eastmincom) na itinanim ang isang improvised explosive device (IED) sa Rural Transit bus (KVS-740).

Naganap ang pagsabog habang bumabyahe ang naturang bus patungong Cagayan de Oro City.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply