100 patriot missiles ng Japan handa na vs NoKor

TOTOTOHANIN ng Japan ang kanilang banta na pasasabugin ang anomang rockets na ilulunsad ng North Korea basta pumasok sa kanilang air space.

Nabatid na may abiso na ang Japanese Defense Ministry na may higit 100 patriot missiles na silang inihanda na magpapabagsak sa ano mang missile na galing sa North Korea, kapag pumasok sa kanilang airspace kaya nakasisiguro anila sila na bago pa man aabot ng Japan ay titirahin na nila.

Nauna nang inamin ng Pilipinas na walang magagawa ang pamahalaan kung sakaling matutuloy ang rocket launching ng North Korea, kundi ang ipagbawal na lang ang pagbiyahe ng mga eroplano, barko at mga mangingisda na dumaan sa bahagi ng Pacific Ocean, Sta. Ana sa Cagayan at Polillo Island sa Quezon province para makaiwas sa mga aluminum debris, ayon pa kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply