112B metro-kubiko ng tubig naaaksaya taun-taon

NAGHAIN ng panukalang batas si Sen. Edgardo Angara upang mapangasiwaan ang 112 bilyong metro-kubiko ng tubig na nasasayang sa bansa taun-taon sa pamamagitan ng Water Sector Reform Bill.

“Ayon kay Vicente Tuddao, executive director ng River Basin Control Office (RBCO) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), umaabot sa 112 bilyong metro-kubiko ng tubig – 70 porsiyento ng kabuuang water resources ng bansa ang nasasayang o nawawala taun-taon.”

Ani Angara, chairman ng Senate sub-committee on water, tumutukoy ang ilang bahagi nito sa tubig na nawawala sa sirang tubo at illegal connections.   “But a lot of this is also the rainwater that just flows back into the sea instead of being preserved for irrigation, industrial purposes, or even everyday use.”

Si Angara ang pangunahing sponsor ng Water Sector Reform Act o WSRA (SBN 2997) na naglatag ng framework para sa mahusay at epektibong pamamahala ng tubig sa ating bansa sa pamamagitan ng Integrated Water Resources Management (IWRM) approach.

Ilan sa layunin ng panukala na iorganisa ang bansa bilang Provincial Water Resource Zones (PWRZs) na may ilang bahagi na pinagsama bilang River Basin Cluster (RBCs).

Layunin din nito na magkaroon ng rasyonalisasyton sa water utilities na pinagagana kabilang kung paano maibibigay ang Public-Private Paretnership (PPP) arrangements sa probisyon ng water services.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply