12-anyos binuntis ng sariling ama sa Davao

SINAGIP ng awtoridad ang isang 12-anyos na babae makaraang mabuko ang pangmomolestiya sa kanya ng sariling ama hanggang tuluyang mabuntis sa Tagum, Davao del Norte.

Kumpirmadong 7-buwan nang buntis ang biktima na itinago sa pangalang “Ira,” umaming nabuntis ng kanyang ama na ngayon ay pinaghahanap na ng pulisya.

Nabatid na isa pang kapatid ng biktima na nasa edad 17 ang nagpatiwakal nito lamang Marso sa hinalang ginahasa rin ng kanilang ama.

Sa pahayag ng ina ng mga bata, sinisi pa siya aniya ng kanyang dating mister na dahil sa kanyang pakikipaghiwalay kaya nangyari iyon sa kanilang pamilya.

 

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply